Aired (September 27, 2025): Mahigit 50 taon nang naninirahan si Aling Norilyn sa Guiguinto, Bulacan. Pero hanggang ngayon, baha pa rin ang kalaban nila tuwing umuulan at kapag high tide.

Sa pagsisiyasat ng Reporter’s Notebook, lumabas na mababa ang kalidad ng flood control project sa lugar. May mga bitak, putol-putol, at mabilis umaapaw ang tubig papunta sa mga bahay.

Hanggang kailan magtitiis ang mga residente sa harap ng kapabayaan at alegasyon ng katiwalian? Ang buong ulat, panoorin sa video. #ReportersNotebook #FloodControlProjects